Pages

Sunday, September 5, 2010

The Beginning

ANG PAGLALAKBAY
(cabal story of friendship and stupidity)

CHAPTER 1: The Beginning

Nagkaroon ng katahimikan ang mundo ng nevareth matapos puksain ang haring si patren.
Ngunit nababahala pa rin ang mga opisyal dahil buhay pa si Silverwood na siyang dahilan ng lahat ng kaguluhan. Ang pinuno ng mga opisyal na si Freed ay inutusan si Yuan para alamin ang kinaroroonan ni Silverwood upang tuluyan na nila itong mapuksa at hindi na makagawa pa ng ano mang kaguluhan sa tahimik nilang mundo…

Isang araw sa desert scream may isang gwapo at makisig na ForceBlader na nag lalakbay papuntang town, sa kanyang daan papuntang town may nakasalubong siyang isang Blader na mukhang nag qquest sa armaku, napatingin ang mukhang mahina at walang kwentang Blader sa gwapitong ForceBlader na dumadaan, dahil sa kawalan nya ng konsentrasyon sa armaku nahampas cya ng malakas ng armaku at tumilapon. Tinanong ng gwapitong ForceBlader kung kailangan nya ng tulong, ngunit mukhang nayabangan ang mahinang Blader at dito nag uumpisa “ANG PAGLALAKBAY”


BLADER: yabang mo ah! bakit sa tingin mo ba d ko kayang talunin yang armaku na yan ha?!
FORCE BLADER: ah ganun ba? pasensya na kung may nasabi man ako, gusto ko lang namang tumulong.
BLADER: hindi ko kailangan ng tulong mo! manuod ka kung pano ko tatapusin ang armaku na yan!
(sinugod ng sira ulong blader ang armaku ngunit wala na pla cyang MP kaya hindi ito nakatira at binugbog siya ng armaku at nadedz at nag respawn sa town. Hindi na nagsalita ang gwapitong ForceBlader at napangiti na lang ito at ipinagpatuloy ng ForceBlader ang kanyang paglalakad papuntang town dahil wala pala siyang return stone at kaya nya gustong tulungan ung blader dahil plano sana nya itong hingian ng return stone kapalit ng pagtulong pero iba ang nangyari)
FORCE BLADER: hay nakarating din.
BLADER: hoy ikaw! Ang yabang mo ah! Nakakainsulto ung ngiti mo kanina ah! Ano bang gusto mo ha?! Nkakalalake kna ah!
FORCE BLADER: pasensya na hindi ko sinasadyang mainsulto ka.
BLADER: huli na ang lahat dahil tuturuan kita ng leksyon (madami na akong MP pots kaya hindi na ko papalpak)

(sinugod ng loko –lokong Blader si gwapong ForceBlader)
BLADER: impact stab!!!
(bago pa man tumama ang pinagmamalaking skill ay nasa likuran na nya ang ForceBlader)
FORCE BLADER: alam mo ba kung saan ang opisina ng mga opisyal?.
BLADER: pano ka napunta agad dyan?! Heh naka tymaba ka lang etong susunod kung atake d mo na to mtatakasan! Humanda ka!!!
BLADER: super impact stab!!!
(nailagan ng ForceBlader ang atake ng walang kahirap hirap)
FORCE BLADER: pasensya ka na talaga kaibigan kung nainsulto man kita pero hindi kita papatulan.
BLADER: hinid paaptulan?! Heh! Nagpapatawa kba ha?! O baka nman ntatakot kna kaya mo cnasabi yan?!
FORCE BLADER: hahahahaahaha
BLADER: may nakaktawa ba ha?!
FORCE BLADER: wala.
BLADER: wala?! Baka gusto mo ng mawala sa mundong ito ha?!!
???: itigil mo na yan baguhan! Kahit anong gawin mo hindi mo matatalo yang kaharap mo ngaun.
BLADER: huh? Waaaa officer Dunhike pasensya na po kayo, pero nauna po ang hambog na yan.
DUNHIKE: tumigil ka! Kanina ko pa kayo nakikita at alam kong ikaw ang nag umpisa ng lahat.
BLADER: …… sorry po.
DUNHIKE: cge bumalik kna sa pinapagawa sau ng Instructor mo.
BLADER: Opo. Hoy ikaw hambog hindi pa tayo tapos may araw ka din sakin! Pasalamat ka kay officer Dunhike kundi dahil skanya knina ka pa naliligo sa dugo!
FORCE BLADER: (cya pla ang officer… cya nga ang hinahanap ko.)
???: Ronie? Hindi bat pnpakuha kita ng kaliskis ng aramaku?
RONIE: waaaaaaa master Gette… sorry po ang totoo niyan pabalik na ko sa quest ko.
GETTE: pabalik? Bakit nadedz kba?
RONIE: ah.. eh.. hindi po.. ang totoo nyan eh nakita ko kasi ang lalakeng ito nakahiga sa desyerto nabugbog kc ng armaku kaya tinulungan ko cya.
GETTE: ah gnun ba? tama ang iyong ginawa.. cge bumalik kna sa pinapagawa ko sayo at pagdting mo may ituturo ako sa iyong bagong skill.
RONIE: talaga po?! Cge po kita na lang po tayo mamaya. Kaibigan ayos na ba pakiramdam mo? alis muna ako ha? Kung may problema ka wag kang mahihiyang lapitan ako.. cge bye.
DUNHIKE: hay… wala na talaga…
FORCE BLADER: hehehe
GETTE: huh? Bakit anong meron?
(knuwento ni officer Dunhike at ng ForceBlader ang buong nangyari)
GETTE: ang sira ulong yon! Paparusahan ko siya mamaya!
DUNHIKE: cge Gette alis muna kami at may kailangan kaming pag usapan ng binatang ito.
GETTE: ano nga palang pangalan ng binatang yan?
FORCE BLADER: ako po si Kashin Dyne.
GETTE: Dyne?! Mula sa angkan ng mga Dyne?!
DUNHIKE: Oo Gette isa nga cya sa angkan ng mga Dyne.
GETTE: ganun na ba talaga kaseryoso ang paghuli sa taksil na si Silverwood?
DUNHIKE: nais ni young master Freed na puksain si Silverwood at ang mga iba pang nsa likod nito sa lalong madaling panahon.
KASHIN: cge po Instructor Gette alis po muna kami.
GETTE: cge iho.
(pumasok cla sa opisina ng desert scream at dun nila inumpisahan ang kanilang pag uusap)
DUNHIKE: eto ang kasulatan ng buong pangyayari…
KASHIN: (binabasa ang nakasulat sa papel)
KASHIN: kung ganun si Silverwood pala ang naging Guardian ng Hari bago ito pumanaw, naisip cguro nya na mas madali niyang maisasagawa ang lahat ng kanilang plano kung lagi siyang naka dikit sa Hari.
DUNHIKE: ganun na nga.. ano plano mong gawin ngayon?
KASHIN: kailangan ko munang humagilap ng mga impormasyon upang mas maiplanong mabuti ang gagawing pagpuksa sa mga kalaban.
DUNHIKE: sa iyong edad hindi ko inaasahan na ganyan ka na agad kahusay… mas lalong tumataas ang respeto ko sa inyong angkan.
KASHIN: salamat po sa papuri.
DUNHIKE: kung ganun umpisahan mo sa bloody ice at hanapin ang officer nila na si Henkoff marahil ay meron cyang maitutulong sa iyo.
KASHIN: kung ganun hindi na po ako mag aaksaya pa ng oras.. aalis na po ako papuntang bloody ice
DUNHIKE: cge mag ingat ka sa iyong paglalakbay.

RONIE: hay natapos din sa wakas! Master eto na po ung mga kal-(wapak!)
RONIE: aray! Master bat nyo po ako binatukan?
GETTE: nagtanong kpa?! Alam ko na ang totoo! Alam ko na hindi totoo na tinulungan mo ang lalakeng un! At inatake mo pa pla cya! At dahil dun hindi ko na ituturo sau ung bagong skill bilang iyong parusa.
RONIE: waaaaaa bat nman po ganun?
GETTE: kailangan mong madisiplina. Alam mo Ronie kung gusto mong maging pnka magaling na Blader kailangan mo munang tanggapin ang iyong sariling kahinaan .
RONIE: eh kasi nman master ang yabang nya eh!
GETTE: ikaw ang mayabang! Kahit anong gawin mo malayo ang agwat ninyong dalawa at hindi mo cya mtatalo.
RONIE: huh? Pano nyo nman po nsabi?
GETTE: malalaman mo din sa susunod mong magging misyon. Magempake ka ng mga gamit mo at pagkatapos ng hapunan ay mag lalakbay ka sa iyong susunod na misyon.
RONIE: wow mukhang exciting yan ah! Cge po uumpisahan ko ng mag empake.
(paglabas ni kashin sa opisina ay nilapitan cya ni Gette)
GETTE: kashin
KASHIN: ano po un Instructor?
GETTE: may hihingiin sana akong pabor sayo.
KASHIN: ano po un? Bstat kaya kong gawin wala pong problema.
GETTE: maaari mo bang isama sau si Ronie?
KASHIN: hhhmmm… bkt nman po?
GETTE: ulila na si Ronie at gusto kong matutunan nya ang lahat sa mundong ito.
KASHIN: kung ganun cge po.
GETTE: salamat iho.. pagpasensyahan mo nlng ang kanyang ugali.
KASHIN: wala pong problema sakin un.
GETTE: aalis ka nba?
KASHIN: opo.
GETTE: mag hapunan muna tau sa bahay ko bago kau umalis.
KASHIN: kung gnun cge po.
(pumunta na sila upang mag hapunan)
RONIE: master! Andyan an pla kau tamang tama tapos na po akong mag handa ng hapuna- waaaaaaaa bkt ksama nyo yan? Walang kwentang tao yan master!
GETTE: tumigil ka! Ayusin mo na ang mesa upang mkpg hapunan na tau.
RONIE: makikikain ba yan? (kung alam ko lang bumili sana ako ng lason kanina sa grocer)
GETTE: oo kaya ayusin mo na ang mesa.
RONIE: opo.
(umupo sila at inumpisahan ng mag hapunan)
RONIE: hoy ikaw! Wag kang matakaw ha?! Mahiya ka nman!-(wapak!) aray! Sakit nman nun master.
GETTE: ang susunod mong misyon ay ang sumama sa kanya.
RONIE: waaaaaaaaaaaa bkt nmn po master? Pabigat lng yan sakin!
GETTE: si Kashin ay galing sa angkan ng mga Dyne. Isang angkan ng mga magagaling at mahuhusay na mandirigma.
RONIE: yang lalakeng yan galing sa ganung angkan? Heh I don’t think so…
GETTE: napansin mo nmn cguro kanina nung nilabanan mo cya hnd ba?
RONIE: para sakin nka tymaba lng cya, ako nga kaya kong pumunta sa likod ng kalaban ko kahit nakapikit ako eh-(wapak!) aray!
GETTE: simpleng batok pa nga lng d mo pa magawang iwasan eh. Makinig ka Ronie kung gusto mong maging pnka magaling na Blader kailangan mo munang tanggapin ang iyong sariling kahinaan.
RONIE: naiintindihan ko po master. Cge po isasama ko na yang taong yan sa aking paglalakbay.
GETTE: ikaw ang isasama at wag mong kakalimutan na makisama dahl ikaw ang sabit!
RONIE: opo.
GETTE: pasensya ka na Kashin ganito tlga kmi lagi ko cyang pnag sasabihan at lagi cyang napagsasabihan.
KASHIN: hehehe
(ntapos din cla sa kanilang hapunan)
RONIE: master aalis na kmi.
GETTE: cge mag ingat kau. Ronie lagi kang makinig skanya kung gusto mong lumakas. Dahil kung gusto mong maging pnka magaling na Blader-
RONIE: kailangan mo munang tanggapin ang iyong sariling kahinaan.
GETTE: tama! Natutuo ka din.
KASHIN: cge po alis na po kami.
GETTE: cge kaw na bahalang sanayin cya… mag ingat kau…
RONIE: cge po master.
KASHIN: cge po.

Tumuloy na sila sa knilang paglalakbay patungong bloody ice… ano ang kahahantungan ni Ronie sa pagsama nya kay Kashin… at anong problema ang haharapin ni Kashin sa pag sama nya sa sira ulong Blader? Abangan sa susunod…